Sunday, July 23

The end is over.

If I had a ticket to heaven,
And you didn't have one too,
I'd tear my ticket to pieces,
And go to hell with you.

Friday.
Wala namang masyadong nangyari. Ganon pa rin. Pero inaway ko si Teop-teop. Anyway, bati na naman kami eh. Pero hindi pa ako nag-sosorry, kaya nag-sorry ako kanina sa taggie niya.

Saturday.
Haay, sobrang dami ng nangyari kaya ito, ikekwento ko na..

Chinoi.
Nanood kami ng Chinoi sa UP theater. Maganda naman ung story pero parang napaka-common. Hindi ko xa masyadong nagustuhan pero maganda naman ung casting. Ung nga lang pangit ung story.

Cesca, Monica at ako?!.
Waah.. Nahiwalay ako kina Monica kasi naman na-late ako. Hindi na nila ako nahintay kasi magsisimula na ung play so naging kasama ko na lang si Iresh at Mama niya. Hindi ako masyadong nakapag-salita kasi shy ako. Don't get me wrong, mabait si Iresh at ung Mama niya. Tapos buti na lang nasa may harap ko si Avril. Kaya ayun, may karamay ako. Humihingi nga sa akin ng rescue si Av dahil nandun ung Chuva niya. Basta! Badtrip siya sa panonood ng play.

Others.
Asar talga ung mga others! Kaasar! Hindi mo na nga pinapansin, nag-papansin pa rin. Hindi mo na nga kinakausap pilit paring nakikipag-usap! Bwisit! Natakot tuloy ako sa kanila. Freaky guys must go to hell! Aargh, kung hindi ko lang iniisip ung consequences e di matagal ko nang sinagot ung mga un. :'(

McDo.
So sa Mcdo kami kumain nila Monica, Nikka at Cheng. Haay, as usual, kain ng chicken nuggets. Tapos nakita namin dun si Bea, Myra, Ge, Embang.. Tapos, kwentuhan kami about school, life, play, love etc.

Ang tagal nga namin dun kasi hinihintay naming mag-1:00 para diretso na kami sa NISMED.

Sayang nga kasi hindi napanood ni Cheng ung ate niya na mag-cheering. Sayang, sayang!

NISMED.
The heck! Hindi pala bukas ung taeng NISMED na un. Pumunta kaya kami para lang dun sa NISMED. Then, un pala Mondays-Fridays lang sila open. Minalas talga kami.

College of Science.
So un na lang ung sunod na destination namin since malapit lang naman un sa NISMED. Mahaba ung pila sa pagkuha ng permit. Pero napaka-swerte naman namin dahil marami kaming nakuhang sources dun. Tapos, umuwi na kami ni Nikka.

Pauwi.
So sabay kami ni Nikka sa pag-uwi kasi magkalapit lang kami ng bahay. Umuulan pa nga eh, buti na lang may dalang payong si Nikka. Tapos dun kami sa City hall sumakay ng Palenke.

Habang nasa jeep, nakita namin ung isang babae na tumatakbo dun sa circle dahil ung isang mama ninakaw ung cellphone niya. Nakakaawa nga eh, kasi naman, hinabol nung babae ung lalaki hanggang sa matanggal ung tsinelas niya. Sumisigaw nga siya tapos humihingi ng tulong.

Then, after that, may sumakay na lalaki sa jeep na sinasakyan namin. Mukha ngang ka-konchaba nung magnanakaw. Kunwari pa siyang gusto niyang tulungan ung babae pero obvious naman na kasabwat siya kasi amoy alak siya at ang pula nung eyes niya.

Natakot nga ako eh. Buti na lang bumaba rin siya dun sa may circle. Imagine, bumaba rin siya kaagad. Parang 1 minute lang wala na siya. Ang freaky talaga. Nakakatakot ung mama. Tapos, mukhang drug addict. Sayang ang bata pa naman niya tapos ganun na siya.

Haay so ayun ung nangyari kahapon..

Random-ness.

Nakita ko ung pic na 'to. This is the last kiss na pinagbibidahan ni Zach Braff at Rachel Bilson. Gusto ko na siyang panoorin kasi andun si RACHEL BILSON. I totally like her! Waah.. ang cute, cute cute niya. <3


Pero sa totoo lang, ang pangit ni Zach Braff. Sana si Adam Brody na lang ung ka-partner ni Rachel Bilson. :)