Sunday, October 28
bry
hi bry
kung nasan ka man ngayon,
sana masaya ka
sana pastar ka dyan
maghinay-hinay sa
pangungulit sa star friends mo
bry hindi ko mastop ang
pagcry ko kasi naalala ko
kung gano tayo kaclose dati
naalala mo nung kumain ka ng
dahon dahil chinallenge kita
tapos nung umiiyak ako sa main lib
tas sinabi mo sakin "tahan na, hayaan mo na sila,
magquit ka na lang kung iiyak ka lang ng ganyan"
tas yung tatawag ka sakin kasi di ka makakapasok
tas nung trineat kita ng mango shake
kasi love na love kita dahil sa sobrang gandang notes mo
tas yung epic na performance mo sa hayok
isda na gumulong sa floor at kumain ng papel
bry
waaah
wala na akong masabi
nakulangan tayo sa oras eh
kahit mukha kang crinkles
love na love pa rin kita
kwentuhan naman tayo please
