Monday, June 3
sobrang kelangan ko lang ilabas ‘to sa system ko kasi sobra sobra na
sobrang hindi ko na kaya, yung tipong kanina habang kumakain,
kinailangan ko pang tumayo para lang hindi ko na naman maisip gawin yun
nung isang araw nasa mrt ako at tila ba gusto ko na lang hilahin ako ng tren patungo sa kung saan, sa kawalan
hindi ko na kaya at ilang beses ko pa bang kelangan sabihin ang katagang yan
kung pwede lang maiyak kaso di naman effective
kanina sa mall, sa jeep, gumigilid na ang mga luha ko
hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin bukas
salamat talaga ay isaac huhuhuhuhuhu
kung tutuusin sobrang dami ngang nangyayaring maganda sa buhay ko eh
pero wala talaga, di ko maramdaman yung excitement/kasiyahan
sobrang daming plano sa future, sobrang daming mangyayari
pero ang gusto ko lang gawin ay matulog at iwanan na ang lahat ng mga ito/iwanan silang lahat
